Isang babae na gustong takasan ang mahirap at masakit na reyalidad ng kanyang buhay sa pamamagitan ng pananaginip, ito ang tinatalakay ng libro na isinulat ni Aly Almario na Lucid Dream.
Title: Lucid Dream
Author: Aly Almario (Alyloony)
Genre: Fantasy
Review:
Ang Lucid Dream ay tungkol sa isang babae na kayang manipulahin ang kanyang mga panaginip. Sa pamamagitan nito ay na co-control niya ang lahat ng nangyayari sa kanyang panaginip at kaya niya ding gawin ang kahit na anong nasa imahinasyon niya. Isa siya sa mga pinagpalang mabigyan ng ganitong kakayahan. Lagi siyang excited sa tuwing matutulog dahil pansamantala na naman niyang makakalimutan ang masakit na reyalidad ng kanyang buhay. Sa pamamagitan nito pansamantala siyang nagiging tunay na masaya at kontento. Ang Lucid Dream ay idinesenyo upang mapalawak ang imahinasyon ng mga mambabasa.
Habang siya ay nananaginip nakilala ni Angelique na lucid dreamer si Caleb na isang dream traveler, kung si angelique ay kayang manipulahin ang kanyang panaginip si Caleb naman ay kayang makapunta sa panaginip ng iba. Ngunit ang kaibahan nila ay si Angelique ay gumigising habang si Caleb naman ay tila isang preso na nakakulong sa mundo ng mga panaginip. Naging mabuti silang magkaibigan, tuwing gabing nanaginip si Angelique ay nakakasama niya si Caleb. Sila ay gabi-gabing naglalakbay sa iba't - ibang mga panaginip, may masaya, may malungkot at may nakakatakot. Nakahanap sila ng pagmamahal at saya sa isa't-isa, si Caleb ang naging dahilan upang mas pinili ni Angelique na tanggapin ang tunay at masakit na reyalidad kaysa sa masaya ngunit pekeng mga pangyayari.
Kalaunan ay nalaman ni Angelique na hindi lamang simpleng dream traveler si Caleb siya ay isang ring lucid dreamer na mas piniling manatili sa mundo ng mga panaginip kaysa bumalik sa kanyang totoong buhay. Nalaman niya na tunay at buhay si Caleb ngunit ito ay tila nasa isang mahimbing tulog na hindi na muling gigising pa. Nalaman din niya na kaunting oras nalang ang natitira kay Caleb bago ito tuluyang maglaho sa mundo ng mga panaginip maging sa reyalidad. At ang tanging paraan upang siya ay makabalik sa tunay na buhay ay ang kakayahan ni Angeique na manipulahin ang kanyang panaginip, ito ang kapalit ng buhay ni Caleb. Ngunit hindi lamang iyon, kahit pa makabalik sa reyalidad si caleb ay malabo na magkita pa silang muli ni Angelique dahil ang lahat ng nangyari ay hindi na maaalala ni Caleb maging si Angelique. Sinugal ni Angelique ang kanyang kakayahan kapalit ng buhay ni Caleb, hindi man sila muling magkikita alam naman niyang buhay ito at hindi tuluyang naglaho.
Ilang taon ang nakalipas habang namamasyal si Angelique sa Japan kasama ang kanyang pamilya, habang siya ay naglalakad sa gitna ng mga cherry blossom naalala niya ang kanyang mga panaginip, isa ito sa mga lugar na lagi nilang pinupuntahan ni Caleb, dito din sila huling nagkita. Hindi niya mapigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha ng maalala niya ang masasayang mga gabi na kasama niya si caleb sa kanyang panaginip. Habang siya ay lumuluha biglang may nag-abot ng isang panyo sa kanya. At hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Sa harap niya ay tila isang panaginip, isang taong akala niya'y hindi niya na masisilayan pa.
"Angelique"
"Caleb"